Ang Legazpi Savings Bank (LSB), isang wholly-owned subsidiary ng the Bank of the Philippine Islands (BPI), ay patuloy na nagsusulong ng financial inclusion sa bansa. Sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Teachers Loan, mas lalong natutugunan ng LSB ang mga pinansyal na pangangailangan ng mga guro upang mabigyan sila ng pagkakataon mag-invest, makabili ng mga kinakailangang gamit pang-edukasyon, at mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamilya.
Sinusuportahan ng LSB ang mga guro upang makamit ang kanilang mga pangarap.
“Katuwang kami ng BPI sa pagbibigay ng accessible at affordable na banking solutions sa mga komunidad na dati’y walang access sa financial services. Ang misyon namin ay mapunan ang puwang na ito sa pamamagitan ng financial products, tulad ng personal loans at deposit accounts, na angkop sa pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na ng mga guro,” sabi ni Jerome Minglana, LSB President.
Itinatag noong 1976, ang LSB ay pinagkakatiwalaan ng mga lokal na komunidad dahil sa magandang financial services nito. Ito ay na-acquire ng Robinsons Bank noong 2012 at opisyal na naging bahagi ng BPI Group noong Enero 1, 2024, matapos ang merger ng BPI at Robinsons Bank, kung saan ang BPI ang surviving entity.
Dating nakatuon ang LSB sa retail loans sa pamamagitan ng mga branch network nito. Noong 2021, tinutukan ng banko ang Automatic Payroll Deduction System (APDS), na nagbigay ng mas abot-kayang loans para sa mga guro sa buong bansa.
Noong 2024, lumago ang loan portfolio ng LSB ng 50%, na nagpatibay sa layon nito na suportahan ang educational sector at positibong maapektuhan ang buhay ng mga guro. Bukod dito, pinalawak din ng banko ang market share nito ng client-teachers sa 4% at tumaas ang customer base nito ng 51%. Sa susunod na limang taon, nais rin ng banko na makamit ang double-digit compounded annual growth rate.
Ang LSB ay nakatuon din sa pagpapalaganap ng financial literacy at wellness sa mga customer nito.
“Layunin namin sa LSB na paigtingin ang aming vision for financial inclusion, at marating pa namin ang mga underserved markets lalo na ang mga guro sa buong bansa,” sabi ni Minglana. “We are excited to bring LSB’s expertise and BPI’s resources together to help build a better Philippines—one family, one school, one community at a time.”
Sa ngayon, ang LSB ay may 17 branches at regular branch-lite units (BLUs) na may deposit-taking operations, at 10 limited BLUs (walang deposit-taking) na matatagpuan sa 18 probinsya sa buong bansa. Ang banko ay mayroon ding 19 ATM terminals na nagbibigay ng convenient na paraan para ma-access ang mga pondo ng komunidad 24/7. Maaari ding ma-access ang Teachers Loan in over 1,000 BPI and BanKo branches nationwide.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LSB and its products, bisitahin ang LSB website.